Tagalog

Tagalog

Maligayang Bati sa Provincial Court ng British Columbia

Ang Provincial Court ang siyang humahawak sa mga ganitong uri ng kaso:

  • mga kriminal na kaso laban sa adults at mga kabataan
  • mga problema sa suporta at pagmamagulang kapag naghiwalay ang mga pamilya
  • mga kaso ng proteksyon sa bata kapag nanganganib ang kaligtasan o kabutihan ng isang bata
  • karamihan ng mga small claims (civil) na kaso mula $5,001 hanggang $35,000
  • mga sala sa traffic, ticket, at bylaw

Hindi hinahawakan ng Provincial Court ang mga sumusunod:

  • trials (mga paglilitis) para sa adults na kinasuhan dahil sila raw ay pumatay
  • diborsyo at paghahati ng property at utang ng isang pamilya (pero ang Provincial Court at ang Supreme Court (Korte Suprema) ng British Columbia ay maaaring mag-utos para sa sole ownership (iisa lamang ang may-ari) o possession ng isang kasamang alagang-hayop)
  • mga paglilitis sa harap ng hurado

Ang mga kasong ito ay ginagawa sa BC Supreme Court.

Ang BC Supreme Court (Korte Suprema ng BC)

Paghanap ng abogado o pagkuha ng legal na payo

Hindi mo kailangang magpakatawan sa isang abogado sa anumang kaso sa korte. Gayunman, maaaring mainam na magkaroon ng abogadong mangangatawan sa iyo, o kumuha ng payo mula sa isang abogado bago magpunta sa korte. Ito’y lalo nang mahalaga kung ang iyong kaso ay malubha o komplikado. Sa ilang mga kaso, maaaring maglaan ang Legal Aid BC ng abogado para sa iyo kung hindi mo kayang magbayad para sa isang abogado.

Paghanap ng abogado o pagkuha ng legal na payo

Mga Interpreter

Sinisigurado ng mga interpreter na ang lahat ng mga táong kalahok sa isang paglilitis sa korte ay nagkakaintindihan at na nalalaman nila kung ano ang nangyayari. Ang court registry ay naglalaan ng mga libreng interpreter para sa mga witness (saksi) at mga kalahok na hindi nagsasalita ng Ingles, para sa mga ganitong uri ng kaso sa korte:

  • kriminal na kaso laban sa adult at kabataan
  • mga kaso ng pamilya
  • mga kaso sa traffic, ticket, bylaw

Ang court registry ay naglalaan din ng libreng visual language interpretation para sa mga táong bingi o may kahirapan sa pandinig. Dapat mo o ng iyong abogado kontakin sa lalong madaling panahon ang court registry kung saan naka-file ang iyong paglilitis para magsaayos na makakuha ng isang interpreter. Ang interpreter na inilaan ng court registry ay tutulong sa panahon ng paglilitis sa korte. 

Gayunman, dapat kang humanap ng iyong sariling interpreter para sa karamihan ng bagay na nangyayari sa labas ng paglilitis sa korte. Halimbawa, dapat kang humanap ng iyong sariling interpreter kung kailangan mo ng interpreter para tumulong na:

  • Makipag-usap sa mga tauhan sa korte
  • Punan ang isang pormularyo ng korte, o 
  • Makipagkita sa isang abogado

Ang Court Registry ay hindi naglalaan ng mga interpreter para sa wika para sa mga small claims na kaso.

Para sa mga small claims na kaso, maaaring pahintulutan ng isang huwes ang isang kapamilya o kaibigan na tulungan ka sa isang komperensiya para sa settlement, basta hindi magiging witness (saksi) ang kapamilya o kaibigang ito, hindi siya kasangkot sa pagtatalo, at hindi siya makakagambala kapag naroroon siya.

Mga Interpreter

Paano kokontakin ang court registry